Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na pamunuan ang Constitutional Commission para bumuo ng draft na magsusulong ng Pedaralismo sa bansa.
Sa ambush interview sa Myanmar, sinabi ng pangulo na hindi pa naman sila nagkakausap ni Arroyo ukol dito.
Gayunman, aminado si Pangulong Duterte na malabo niyang italaga si Arroyo sa anumang cabinet post sa kasalukuyan.
Giit ni Duterte, hindi papayag si Arroyo na magtrabaho sa ilalim ng isang pangulo dahil siya mismo ay nagsilbi nang pangulo ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng pangulona determinado ang kanyang pamahalaan na isulong ang pagpapalit ng porma ng gobyerno dahil ito umano ang magdadala hindi lamang ng katahimikan kundi maging ng kaunlaran sa partikular na sa rehiyon ng Mindanao.