Duterte hinamon na manindigan para sa West Philippine Sea

By Rohanissa Abbas March 20, 2017 - 03:29 PM

west-ph-seaNagbabala si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-ingat sa pagpapahayag o pagdedeklara ng anumang makaapekto sa sobreanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Carpio na bagaman dehado ang Pilipinas sa China militar pagdating sa militar na kapasidad, may mga ibang hakbang pa naman ang maaaring gawin si Duterte.

Para maprotektahan ang soberanya ng bansa, maaaring pormal na maghain ng matibay na protesta laban sa pagtatayo ng China ng struktura sa West Philippine Sea, at magpatrolya ang Philippine Navy sa Panatag Shoal.

Kung mauwi man daw ito sa bakbakan, maaari namang igiit ang Philippine-US Defense Treat.

Maaari ring hilingin ng Pangulo sa United States na ideklarang bahagi ng Pilipinas ang Panatag Shoal sa ilalim din ng naturang kasundian na sakop na ng Pilipinas maging noong kolonisasyon ng Amerika.

Dagdag ni Carpio, pwede rin tanggapin ng Pilipinas ang alok ng US na magpatrolya sa South China Sea, kabilang na ang Panatag Shoal.

Inilatag ni Carpio ang mga posibleng hakbang ng Pilipinas makaraang sabihin ni Duterte na hindi kayang pigilan ng Pilipinas ang China sa pagtatayo environmental monitoring station sa pinag-aagawang Panatag o Scarborough Shoal.

TAGS: Carpio, China, duterte, Supreme Court, West Philippine Sea, Carpio, China, duterte, Supreme Court, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.