Dumepensa ang Quezon City Police District (QCPD) sa naging ulat ni Vice President Leni Robredo sa United Nation Commission on Narcotics Drugs na umaabot sa pitong libo ang mga namatay sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Ayon kay QCPD Dir. Guillermo Eleazar, mali ang mga datos na iniulat ni Robredo sa harap ng international community.
Sinabi ni Eleazar, nasa mahigit dalawang libo lamang ang mga naitalang namatay sa operasyon ng gobyerno kontra illegal drugs at ang mga ito ay nanlaban sa mga pulis at hindi sinadyang pinatay.
Ang mahigit apat na libong namatay na hindi kasama sa operasyon ng PNP ay iniimbestigahan pa rin ng gobyerno kung ano ang sanhi o motibo ng pagpatay.
Para naman kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes, halatang may motibo si Robredo ng mag-ulat ito sa United Nations lalo pa’t hindi naman niya nagawang kondenahin ang iba pang mahahalagang isyu at bilang ng mga namatay sa nakaraang administrasyon.
Bwelta naman ni Greco Belgica, supporter ng Pangulo, hindi umano dapat nagsasalita si Robredo sa international community ng mga panloob na kaganapan ng bansa dahil kasama siya na naglilingkod sa gobyerno.
Para naman Kay TESDA Sec. Guilling Mamudiong, maliwanag ang motibo ni Robredo na siraan ang Pangulo upang makakuha ng audience para patalsikin sa Malakanyang at siya ang pumalit sa pwesto.