Mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Espinosa, nasa kustodiya na ng PNP Region 8

By Rohanisa Abbas, Ruel Perez March 20, 2017 - 11:22 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Nasa kustodiya na ng PNP Region 8 si Supt. Marvin Marcos at 19 pang pulis na sangkot sa pagpaslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato”  dela Rosa, hawak na nila ang kopya ng warrant na lumabas nitong weekend lamang  mula sa Baybay, Leyte RTC kung saan isinampa ang kasong murder laban sa mga naturang pulis.

Sa ngayon nasa kustodiya na umano ng PNP CIDG Region 8 sina Marcos at hinihintay na lamang ang return of warrant.

Ipinagpaubaya naman ng PNP sa korte kung saan ikukulong ang mga naturang pulis.

Magugunitang si Espinosa ay napatay sa kanyang selda sa Baybay City Provincial Jail noong November 5 sa paghahain ng search warrant ng CIDG-8 sa pangunguna ni Marcos na nauwi umano sa shootout.

Kasama ring napatay rito ang kapwa preso na si Raul Yap.

 

TAGS: Marvin Marcos, PNP CIDG Region 8, rolando espinosa, Ronald "Bato" Dela Rosa, Marvin Marcos, PNP CIDG Region 8, rolando espinosa, Ronald "Bato" Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.