Kamara, walang balak magsagawa ng loyalty check sa impeachment complaint vs Duterte

By Isa Avendaño-Umali March 20, 2017 - 11:21 AM

Pantaleon-Alvarez-0726Walang plano si House Speaker Pantaleon Alvarez na magsagawa ng ‘loyalty check’ sa hanay ng mga miyembro ng supermajority ng Kamara, kasunod ng kinakaharap na impeachment complaint ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Alvarez, kung tutuusin ay hindi kailangan ang loyalty check dahil kumpiyansa siyang matatag ang supermajority ng kapulungan.

Bukod dito, hindi aniya makaka-first base ang impeachment raps na inihain ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano laban kay Duterte.

Ani speaker, siguradong irerekumenda ng House Justice Committee ang pagbasura sa impeachment complanint.

Pagtitiyak pa ni Alvarez, hindi makakatungtong sa plenaryo ng Kamara ang naturang impeachment complaint dahil panay “hearsay” at walang personal knowledge si Alejano sa mga akusasyon sa pangulo.

Sa panig naman ni House Deputy Speaker Raneo Abu, sinabi nito na pag-aaksaya lamang ng panahon ang planong pagpapatalsik kay Duterte.

Masyado aniyang maraming prayoridad ang Kamara na mas mainam na atupagin kaysa sa impeachment complaint ni Alejano.

 

 

TAGS: gary alejano, house justice committee, loyalty check, Pantaleon ALvarez, Rodrigo Duterte, gary alejano, house justice committee, loyalty check, Pantaleon ALvarez, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.