Kampo ni Robredo, iginiit na hindi “impeachable offense” ang pagsasabi ng totoo

By Rod Lagusad March 20, 2017 - 11:21 AM

ROBREDO NEW YEARIginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi “impeachable” ang naging pahayag nito ukol sa umanoy pang-aabuso ng mga pulis sa ilalim ng giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, na hindi isang “impeachable offense” ang paglalahad ng katotohahan.

Binigyang diin ng kampo ni Hernandez na ang mga impormasyon sa nasabing video ay mula sa mga nailathalang mga balita at sa mga first-hand experiences ng mga pamilya na lumapit sa tanggapan ng pangalawang pangulo.

Kaugnay ito ng paghahanap ng posibilidad ni House Speaker Pantaleon Alvarez na makapaghain ng impeachment complaint laban kay Robredo dahil sa “betrayal of public trust” nito sa kanyang recorded statement sa isang United Nations forum sa Austria noong nakaraang Huwebes kung saan sa parehong araw din isinampa ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Alvarez na may kinalaman si Robredo sa pagpapatalsik sa pwesto kay Duterte.

Sinabi naman ni Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing na meron ng grupo ng mga abogado ang bumubuo ng impeachment complaint laban kay Robredo.

Aniya maaring “economic sabotage” ang posibleng maging laman ng reklamo kay Robredo.

Matatandaan na sa naturang video ni Robredo ay kanyang ipinahayang ang umanoy “palit-ulo” scheme at paggalugad sa mga mahihirap na komunidad sa Metro Manila ng walang search warrant.

 

TAGS: Epimaco Densing, georgina hernandez, Impeachment complaint, Leni Robredo, Pantaleon ALvarez, Rodrigo Duterte, Epimaco Densing, georgina hernandez, Impeachment complaint, Leni Robredo, Pantaleon ALvarez, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.