Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Solomon Islands ayon sa US Geological Survey.
Naganap ang paglindol bandang 2:43 am local time na may lalim na apat kilometro na nasa 170 kilometro hilaga-hilagang silangan ng Honiara na kabisera ng bansa.
Kaugnay nito, wala namang inilibas ng tsumani warning.
Tulad ng Pilipinas ang Solomon Islands ay bahagi din ng tinatawag na Pacific “Ring of Fire”, parte ng mundo kung saan madalas ang mga lindol at pagputok ng mga bulkan.
Noong taong 2007, niyanig ng magnitude 8 na lindol ang naturang bansa na nagresulta sa pagkamatay ng nasa 52 katao at pagkawala ng tirahan na libu-libo matapos magkaroon ng tsunami na may taas na sampung metro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.