8,000 mahihirap, ihaharang sa mga tauhan ng NHA na magsisilbi ng eviction notice-Kadamay
Pinaglalagyan ng mga barikada na babantayan ng nasa 8,000 miyembro umano ng grupong Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap ang harapan ng mga subdivision na kanilang inokupa sa lalawigan ng Bulacan.
Ito ay upang pigilin ang mga puwersa ng pamahalaan na magtatangkang paalisin sila sa mga tahanang kanilang tinirhan.
Ngayong araw, inaasahang isisilbi ng National Housing Authority (NHA) ang mga eviction notices upang sapilitan silang paalisin sa naturang mga lugar.
Gayunman, giit ni Gloria Arellano, chairperson ng grupo, hindi nila tatanggapin ang naturang mga abiso.
Noong Marso 8, tinatayang aabot sa 8,000 kasapi ng Kadamay ang biglaang umokupa sa nasa 4,500 housing units sa ilang low cost housing subdivision sa bayan ng Pandi, Bulacan.
Tinangka rin ng grupo na pasukin ang isang low cost housing project sa Bocaue, Bulacan ngunit napigilan sila ng mga mga residente at mga opisyal ng Barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.