Pagpanaw ni Chuck Berry, ikinalungkot ng music industry

 

Chuck-Berry_Inte-600x403
AP photo

Bumuhos ang pakikiramay at pagbibigay-pugay ng mga kapwa niyang mang-aawit at mga artista sa pagpanaw ng legendary rocker na si Chuck Berry.

Si Berry o Charles Edward Anderson Berry Sr., ay pumanaw sa edad na 90-anyos nitong Sabado matapos itong matagpuang walang malay ng mga emergency responders sa loob ng kanyang tahanan sa St. Louis.

Siya ang itinuturing na ‘Father of Rock and Roll’ dahil sa kanyang naging kontribyusyon sa larangan ng musika.

Si Berry ang bumuo at umawit ng sikat na sikat na kantang “Johnny B. Goode” noong dekada singkwenta.

Kabilang sa mga nagpahatid ng pakikimaray sa pamamagitan ng social media sina Bruce Springsteen, Ringo Starr ng Beatles, Lenny Kravitz, Rod Stewart at Mick Jagger.

Maging sina Arnold Schwarzenneger at ang magazine na Rolling Stones ay nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ng magaling na gitarista.

Read more...