Pangulong Duterte, nasa Myanmar na

By Jay Dones March 20, 2017 - 04:45 AM

Screengrab RTVM

Nasa Myanmar na si Pangulong Duterte para sa kanyang official visit.

Bago ang byahe nito mula sa Davao International Airport, binanggit ng pangulo ang layunin ng kanyang byahe tungong Myanmar na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi ng Palasyo na nagsisilbing caretaker si Executive Secretary Salvador Medialdea habang wala ang pangulo.

Ilan sa mga kasama delegasyon ng pangulo sina Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Communications Secretary Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro Lapeña at Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Myanmar Alex Chua.

Kasama rin sina Sen. Vicente Sotto III at Sen. Alan Peter Cayetano sa delegasyon ni Duterte.

Pagkatapos ng kanyang pagbisita sa Myanmar, tutulak naman si Duterte sa Thailand para sa isa ring official visit.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.