Magpapatupad ng malaki-laking bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa mga darating na araw.
Batay sa oil industry, nasa P1.10 hanggang P1.20 ang rollback sa kada litro ng diesel.
90 centavos hanggang P1.00 naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina, habang P1.10 hanggang P1.20 sa bawat litro ng kerosene.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang anunsyo ng mga kumpanya ng langis.
Noong mga nakalipas na linggo, nagpatupad na ng oil price rollback dahil sa paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.