Update sa kampanya ng brgy. officials VS krimen, droga at katiwalian, dapat isama sa SOBA

Sueno dilgHinimok ni Interior Secretary Ismael Sueno ang mga opisyal ng barangay na ibigay ang kanilang pinakahuling ulat sa kampanya ng mga ito kontra krimen at korupsyon sa State of Barangay Address (SOBA) sa March 25.

Iginiit ni Sueno na magandang pagkakataon ito para ipagbigay-alam sa mga nasasakupan ng barangay officials ang pinakahuling hakbang nila sa mga naturang usapin, at mapag-usapan pa ang solusyon sa mga ito.

Hinikayat din ng kalihim ang mga opisyal ng barangay na suportahan ang kampanya ng kagawaran na Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (Masa-Masid).

Sa Sabado, inaasahan ang SOBA ng mga opisyal ng mga barangay, batay sa Presidential Proclamation No. 260 na nagtakda sa huling Sabado ng Marso at ikalawang Linggo ng Oktubre bilang barangay assembly days.

Ayon kay Sueno, mayroong mahigit 42,000 na barangay sa bansa. Kinakailangan ng mga lider nito na isiwalat ang ginastos at kinita ng mga ito, at magbigay ng update sa mga programa nito.

Read more...