Pilipinas at China, naglatag ng stratehiya para paigitingin ang turismo

By Rohanisa Abbas March 19, 2017 - 08:02 AM

21duterte-xiNagkasundo ang Pilipinas at China na magsagawa ng mga aktibidad para mas mapaigting pa ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa turismo, para sa Association of Southeast Asian Nations-China Year of Tourism Cooperation.

Magbibigay-daan din ito sa pangako ni Chinese President Xi Jinping na makapagpadala ng 2,000,000 turista sa Pilipinas ngayong taon.

Kabilang sa mga proyekto ng Philippine Department of Tourism at China National Tourism Administration ay ang marketing and communication campaigns, familiarization trips para sa media at tour operators, pagsasagawa ng workshops, pagbisita ng mga pinuno ng turismo sa Pilipinas at China.

Sa pinakahuling tala ngayong taon, tumaas ng 76.46% ang mga dumarating sa bansa o mula 48,708 ng Enero 2016 sa 85,948 noong Enero 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.