De Lima sa banta ng impeachment complaint VS VP Robredo: It’s insane!

By Rohanisa Abbas March 18, 2017 - 07:07 PM

delima-0816Tinawag ni Senador Leila de Lima na kabaliwan ang banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo na kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.

Ipinaalala rin ni De Lima ang pahayag ni Robredo na mahalaga sa demokrasya ang mga kritisismo at ‘dissent’ o pagpapahayag pagsalungat. Giit ng Senador, may kalayaan ang bawat isa sa pag-iisip, konsensya at pagpapahayag.

Dagdag pa ni De Lima, ang tunay na traydor at sumisira sa tiwala ng publiko ay ang mga pumipigil sa mga pangunahing kalayaan, ang mga nagsusulong at pumapayag sa extrajudicial killings, at ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan at pekeng balita.

Magugunitang nagbanta si Alvarez na posibleng mapatalsik sa pwesto si Robredo dahil sa ‘betrayal of public trust’ nang ipadala nito sa United Nations ang isang video message kung saan tinuligsa niya ang gyera ng administrasyong Duterte kontra droga.

Ipinahayag ito ng House Speaker matapos isampa sa Kamara ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.