Video message ni VP Robredo sa UN, walang kaugnayan sa impeachment complaint VS Pang. Duterte

By Rohanisa Abbas March 18, 2017 - 07:05 PM

Leni RobredoWalang kaugnayan sa inihain na impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang video message para sa United Nations ni Vice President Leni Robredo na tumutuligsa sa gyera ng gobyerno kontra droga.

Ipinahayag ni Robredo na noong Pebrero pa ang naturang video message at nagkataon lamang na ginamit sa ika-60 taunang pagpupulong ng UN Commission on Narcotic Drugs sa Vienna, Austia noong March 16.

Sinabi ni Robredo na lingid sa kaalaman niya kung inihahanda na ng Magdalo party-list ang impeachment complaint laban kay Duterte noong Pebrero. Aniya, hindi naman siya kabilang sa partido.

Itinanggi ng pangalawang pangulo na ang video message niya sa UN ay bahagi ng magkakaugnay na hakbang ng umano’y destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.

Dagdag ni Robredo, nagkataon lamang na halos sabay lumabas sa media ang naturang video at ang impeachment complaint laban sa pangulo.

Noong Lunes, ipinost ng DRCNet Foundation sa YouTube ang video message ni Robredo sa UN habang noong Huwebes naman isinampa sa Kamara ni Magdalo party-list Representative Gary Alejano ang kaso laban kay Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.