CBCP, ikinagalak ang pakikiisa ng Austrian bishops sa pagkondena sa mga human rights violations

By Rohanisa Abbas March 18, 2017 - 06:57 PM

soc villegasNagpahayag ng kagalakan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Austrian Bishops Conference (ABC) sa pakikiisa nito sa pagtuligsa sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa liham na ipinadala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, presidente ng CBCP, aminado ito nahihirapan ang simbahan na ibahagi ang mga aral ng Diyos sa gitna ng ‘culture of death’ na unti-unting kumakalat sa bansa.

Sa kabila nito, nanindigan ang Simbahang Katolika na hindi sila mananahimik at hindi nila hahayaan na magpatuloy nito.

Kasabay nito, hiniling ng CBCP sa ABC na ipagdasal ito sa gitna ng pamamayagpag ng ‘terror’ o takot sa Pilipinas.

Matatandaang inanunsyo ng Austrian bishops ang pagkondena nito paglabag sa karapatang pantao at panunumbalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ang ABC ang kauna-unahang banyagang Catholic bishops na tumuligsa sa mga kaganapan sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.