5 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group, patay sa Pampanga

By Chona Yu March 18, 2017 - 11:30 AM

arayat pampanga

Patay ang limang hinihinalang miyembro ng gun for hire group sa bisang barangay captain at apat na iba pa matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Cupang, Arayat, Pampanga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Barangay Captain Melvin Guevarra, Jack Pineda, , Fermin Batu, Aldrin Luris at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nabatid na maghahain lamang ng arrest warrant na inisyu ni Judge Celso Baguio ng Gapan, Nueva Ecija Regional Trial Court ang mga tauhan ng Pampanga Police Provincial Office laban kay Guevarra dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Gayunman, nanlaban ang mga suspek dahilan para makipagpalitan na ng putok ang mga pulis.

Tumagal ng apatnapung minuto ang palitan ng putok ng dalawang grupo.

Nagsasagawa na ng imbestigsyon ang mga pulis kaugnay sa naganap na insidente.

TAGS: arayat, gun-for-hire group, Pampanga, arayat, gun-for-hire group, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.