HS Alvarez, pinag-aaralan ang paghahain ng impeachment complaint VS VP Robredo

By Jimmy Tamayo March 18, 2017 - 10:39 AM

Alvarez-0615Pinag-aaralan na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagsasampa ng impeachment complaint laban naman kay Vice President Leni Robredo.

Kasunod ito ng reklamong inihain ng Magdalo partylist laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilalang kaalyado ni Duterte si Alvarez na nagsabing maaari nilang gamitin para ma-impeach si Robredo ang “Betrayal of public trust.”

Ipinaliwanag ng House Speaker ang lumabas na video ng bise presidente kung saan binabatikos nito ang kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte na paglabag aniya sa karapatang pantao.

Bagaman si Pangulong Duterte na mismo ang naglinis sa pangalan ni Robredo, naninindigan si Alvarez na may kinalaman ang pangalawang pangulo sa destabilization plot laban sa chief executive.

Dagdag pa ng speaker, malaki ang paniwala niya na kaya nais ng grupo ni Rep. Gary Alejano na mapatalsik si Duterte para mailuklok sa pwesto si Robredo.

TAGS: HS Alvarez, Impeachment complaint, magdalo, Pangulong Duterte, VP Robredo, HS Alvarez, Impeachment complaint, magdalo, Pangulong Duterte, VP Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.