Ito’y sa kabila pa ng sinasabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na may mga mailalabas siyang ebidensya upang suportahan ang kaniyang mga alegasyon laban sa pangulo.
Ayon kay Bacolod Rep. Greg Gasataya, malabong makakuha si Alejano ng sapat na bilang ng mambabatas na susuporta sa kaniya sa Kamara.
Naniniwala naman si Southern Leyte Rep. Roger Mercado, na chairman din ng House Committee on Constitutional Ammendments, na kulang sa “substance and form” ang reklamo ni Alejano.
Giit ni Mercado, puro mga sabi-sabi lang ang basehan ng mga nasabing akusasyon, at maituturing na isa lamang dokumento ang naturang reklamo.
Aniya pa, maraming tao ang sumusuporta sa pangulo, at nasa kaniya rin ang suporta ng majority sa Kongreso kaya malabong magtagumpay ang impeachment.
Umapela rin ang mambabatas sa mga tao na huwag pansinin ang mga nasabing reklamo dahil ang mga ito ay pawang politically motivated, na pilit inilalayo ang administrasyon sa mga pinagtutuunan nito ng pansin.
Sa halip aniya, dapat magkaisa ang mga tao sa pagsuporta sa pangulo upang mas maraming investors ang pumasok sa bansa.