2 pang fighter jets ng PAF mula South Korea, dadating na
Sa March 29 na nakatakdang dumating ang ika-apat na batch ng mga biniling fighter jets para sa Philippine Air Force (PAF).
Sa 12 biniling fighter jets mula sa South Korea, anim na ang nakuha ng PAF, at ang mga darating bago magtapos ang buwan ay ang magiging ika-pito at ikawalong FA-50 aircraft ng bansa.
Ayon kay PAF chief Lt. Gen. Edgar Fallorina, sasalubungin nila ang pagdating ng mga nasabing fighter jets na may tail numbers na 007 at 008 sa Haribon Hangar sa Air Force City sa Clark Air Base Pampanga.
Inaasahang makukuha na lahat ng mga fighter jets sa loob ng kasalukuyang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.