Higit 40 refugees patay sa pag-atake sa bangka patungong Yemen

yemenMahigit sa 40 katao na karamihan ay pawang mga kababaihan at mga batang refugees ang patay sa pamamaril habang nakasakay sa isang bangka sa Red Sea.

Hindi naman naging malinaw kung sino ang nasa likod ng pag-atake, pero natukoy sa imbestigasyon na mga light weapons lang ang ginamit sa pag-atake.

Ayon sa International Organization for Migration, 42 na bangkay ang kanilang narekober mula sa pinangyarihan ng insidente sa Hodeida.

Dose-dosenang mga Somalis naman na nakaligtas sa pag-atake at tatlong Yemeni traffickers ang dinala sa piitan.

Mahigit 30 namang sugatan ang isinugod sa ospital.

Samantala, isang rebel missile attack naman ang kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 26 miyembro ng mga pwersang kakampi ng gobyerno sa Sanaa.

Read more...