AFP, naghihintay na lang ng ‘go signal’ mula kay Duterte para magpatrolya sa Benham Rise
Naghihintay na lamang ngayon ng green light mula sa pamahalaan ang Armed Forces of the Philippines para umpisahan na ang kanilang pagpapatrulya at gagawing mapping suryvey sa Benham Rise.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na nakahanda ang militar na tumugon sa ipag utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng survey sa Benham Rise na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Paliwanag ni Padilla mayroong kakayahan ang AFP na magsagawa ng mapping survey sa Benham Rise gamit ang mga barko ng Philippine Navy.
Maari ding gamitin ang ilang mga aircraft ng Philippine Air Force na may kakayahan magsagawa ng aerial survey.
Nilinaw pa ni Padilla na hindi lamang ang AFP ang may kakayahan na gumawa ng survey at pag aaral sa nasabing lugar kundi maging ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ni DND Sec Delfin Lorenzana na may namataan na survey ship ng China sa may bahagi ng Benham Rise na umanoy hinihinalang naghahanap ng malapagkublian ng submarino ng Tsina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.