Ito ay matapos mag courtesy call ngayong hapon kay Pangulong duterte si Wang sa Panacan, Davao city.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy na lumakalas ang ugnayan ng Pilipinas at China lalo na sa sektor ng kalakalan.
Nagkalagdaan din aniya ang dalawang opisyal ng 6 year development program na magpapalakas sa sektor ng imprastraktura sa Pilipinas.
Idinulog din aniya ng pangulo kay Wang ang kanyang pagkabahala sa piracy at terrorism dahil nakaapekto na sa stability at security sa rehiyon.
Matatandaang una nang nagpasaklolo ang pangulo sa China sa pagpapatrolya sa international waters para masawata ang piracy subalit hindi pa ito inaaksyunan ng china.
Samantala, nais naman ni Pangulong Duterte na magpaturo sa Australia kaugnay sa responsible mining.
Nag courtesy call ngayong hapon sa pangulo si Australian Foreign Minister Julie Bishop.
Ayon kay Abella, nangako naman si Bishop sa pangulo na ibahagi ang tamang responsibilidad sa pangangalaga sa mineral at energy resources.
Magbibigay din ang Australia ng apatnapung milyong halaga ng ayuda sa Pilipinas sa loob ng anim na taon para sa isinusulong na peace process sa Mindanao region.