Robredo, idinadawit sa inihaing impeachment complaint laban kay Duterte

By Chona Yu March 17, 2017 - 07:05 PM

Robredo xmasIdinadawit ngayon ng palasyo ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo sa impeachment complaint na inihain ni Congressman Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kung hindi man personal intent ni Robredo, nagpapagamit na ito sa kanyang mga kaalyado bilang political animal.

Matatandaang nagpalabas ng video message si Robredo sa United Nations kung saan binabatikos nito ang anti drug campaign ng administrasyon.

Sinabi pa ni Abella na nasa “pathetic state of affairs” na ngayon si Robredo.

Dagdag pa ni Abella, na nakapagtataka kung nagkataon lamang na halos magkakasabay ang impeachment at ang video message ni Robredo.

TAGS: Ernesto Abella, Leni Robredo, Rodrigo Duterte, United Nations, Ernesto Abella, Leni Robredo, Rodrigo Duterte, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.