Pagbubunyang ni Robredo ng palit ulo scheme, hindi para ipahiya ang Pilipinas ayon sa OVP
Walang intensyon si Vice Presiident Leni Robredo na ipahiya ang Pilipinas sa mundo nang ibunyag nito ang palit ulo scheme sa anti -drug campaign ng Duterte administration.
Sinabi ni Georgina Hernandez, spokesperson ni Robredo, hindi na bago ang mga sinabi ng pangalawang pangulo sa isang pulong ng UN Commission on Narcotic Drugs.
Ang mga sinabi aniya doon ni Robredo ay base sa aktuwal na pangyayari at hindi rin ito bago sa publiko dahil nailabas na ang mga nasabing impormasyon ng ibang organsasyon.
Paliwanag pa ni Hernandez, hindi rin boluntaryo ang paglalahad ni Robredo sa palit ulo scheme dahil ang UN Commission on Narcotic Drugs ang humingi ng mensahe nito tungkol sa extra judicial killings at nagpa-unlak lamang ang bise presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.