Lopez, itinangging nakinabang mula sa isang French power company

By Rohanisa Abbas March 17, 2017 - 12:40 PM

Gina LopezPinabulaanan ni Environment Secretary Gina Lopez ang alegasyong tumanggap siya ng travel perks mula sa isang French solar power investor.

Sa pamamagitan ng isang text message, sinabi ni Lopez na para sa kanyang trabaho ang pagpunta niya sa Paris noong Oktubre at hindi isang perk.

Kasalukuyang nasa labas ng bansa ang Kalihim.

Gayunman, aminado naman si Lopez na sinabihan niya ang isang opisyal ng Department of Energy na ibigay ang 100 milyong dolyar na proyekto sa EcoGlobal Inc. (EI).

Ipinahayag ito ni Lopez makaraang akusahan ni EI business development officer Vienna Tañada na tumanggap si Lopez ng byahe tungong Paris na nagkakahalagang 38,380 euros o mahigit dalawang milyong piso noong Nobyembre.

Ani Tañada, tinanggap umano ito ng Kalihim bilang kapalit ng kanyang paghikayat sa DOE na madaliin ang aplikasyon ng EI para sa isang renewable energy service contract.

Hindi naman ito itinanggi ni Lopez na sinabihan niya si Renewable Energy Management Bureau director Mario Marasigan na na i-release na ang RESC para sa planong 30-megawatt solar power farm sa Zamboanga City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.