Runway ng Kalibo International Airport, isasara ng 2 oras sa loob ng 3 araw
Nagpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pagsasara ng runway ng Kalibo International Airport.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, magsasagawa ng emergency repair sa nasirang aspalto ng runway 05/23.
Sa ilalim ng ipinalabas na NOTAM, isasara ang runway ng Kalibo International Airport ng dalawang oras simula bukas, August 20 hanggang sa Agosto 22, mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.
Dahil dito, wala munang eroplanong bibiyahe sa nasabing paliparan sa nasabing mga oras at petsa.
Aabot sa higit 600 meters ng runway ang kailangang ayusin sa Airport.
Ang nasabing repair ay makaaapekto sa mahigit 40 mga domestic at international flights na araw-araw umaalis at lumalapag sa nasabing paliparan.
Noong August 3 hanggang 6, nagpatupad din ng dalawang oras na pagsasara sa runway 23 ng Kalibo Airport dahil sa nabakbak na aspalto.
Ang Kalibo ang gateway ng mga biyahe patungo sa dinarayong Boracay Island sa Caticlan./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.