‘Special Task Group Professor,’ inilunsad ng Eastern Police District

University-VP-found-deadBumuo ng special task group ang Eastern Police District (EPD) para imbestigahan ang pagpaslang sa bise presidente ng isang pamantasan sa Marikina City noong Miyerkules.

Inilunsad ni EPD director Chief Supt. Romulo Sapitula ang “Special Investigation Task Group (SITG) Professor” para tugisin ang suspek sa pagpatay kay Dr. Alfred Dimaano, psychology professor at vice president for academic affairs sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

Pamumunuan ni Chief Inspector Joven Lagra, deputy for operations ng pulisya ng Marikina ang SITG Professor.

Matatandaang natagpuang patay si Dimaano sa loob ng kanyang kwarto sa kanyang bahay sa Barangay Concepcion Uno sa Marikina City. Nagtamo ito ng pitong saksak sa leeg at likod.

Read more...