Malacañang, pinuri ang kautusan ng DOLE kontra Endo

By Chona Yu March 17, 2017 - 11:31 AM

AbellaGinagarantiya ng Palasyo ng Malacañang na maayos na maipatutupad ang kautusan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wakasan na ang endo o kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinupuri ng Palasyo ang DOLE at ang lahat ng concerned parties na nagsumikap na maisulong ang karapatan ng mga manggagawa.

Dagdag pa ni Abella, ang naturang hakbang ay katuparan ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya.

Umaasa ang Palasyo na maayos na mapakikinabangan ng mga manggagawa ang kautusan ng DOLE at maengganyo ang mga negosyante na palaguin pa ang kanilang negosyo.

“The fruits of labor must be enjoyed justly and equitably, while business investments must be encouraged to grow and prosper so they can share with workers the reward for their toil,” ani Abella.

Sinabi pa ni Abella na pursigido ang administasyong Duterte na maisulong ang maayos at pantay na pagtrato sa mga manggagawa sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.