DOJ at PNP, binanatan ng Senado dahil sa bagal ng pag-usad sa Espinosa slay case
Kinondena ng Senado ang mabagal na pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban kina Supt. Marvin Marcos at mga tauhan niya mula sa Criminal Investigation and Detection Group-Region 8 (CIDG-8) dahil sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Inadopt na kasi ng Senate ang committee report nina Senators Panfilo Lacson at Richard Gordon tungkol sa resulta ng imbestigasyon sa nasabing kaso.
Dahil dito, sinabi ni Sen. Tito Sotto na isusumite na nila ang mga rekomendasyon ng Senate report sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS).
Si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nag-mungkahi na kondenahin ang kabagalan ng proseso dahil mahigit dalawang buwan na ang lumipas mula nang imbestigahan ng DOJ at PNP-IAS ang mga kaso.
Samantala tiniyak naman ng PNP-IAS na malapit na nilang ilabas ang kanilang resolusyon sa nasabing kaso.
Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na resolusyon ang DOJ tungkol sa kasong multiple murder na inihain ng NBI laban kina Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.