Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang application for accreditation ng online based transportation service provider na UBER, isang araw bago ang itinakdang deadline ng ahensya para sa mga nais magpa-accredit.
Epektibo ngayong araw, (August 19) accredited na ng LTFRB ang UBER bilang Transportation Network Company o TNC.
Sa ilalim ng ibinigay na akreditasyon, ang mga sasakyan ng UBER ay obilgadong mag-install ng GPS tracking o global positioning system tracking at navigation devices.
Limitado lang din sa kotse, AUV at SUV ang mga sasakyan na pwedeng gamitin sa ilalim ng TNC.
Inaasahan namang maglalabas din ng desisyon ang LTFRB para sa application for registration ng kumpanyang grab car.
Simula August 21, o sa Biyernes, huhulihin na ng LTFRB ang mga APP based transportation service provider na hindi rehistrado sa ahensya.
Ang multa ay aabot sa P200,000 at tatlong buwang impoundment kapag nahuling bumibiyahe ang isang pribadong sasakyan na hindi accredited o rehistrado sa LTFRB./Dona Dominguez-Cargullo