Notorious drug pusher, arestado sa Taguig City

By Cyrille Cupino March 17, 2017 - 06:58 AM

taguig city drugsArestado ang isang notorious drug pusher matapos mahulihan ng shabu sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Unang inireklamo sa Barangay ang suspect na si Raniel Pariño alyas ‘Puti’ dahil sa pagpapaputok nito ng baril na tumama sa bintana at bubong ng isang residente.

Sa pinagsanib na pwersa ng Taguig City Police Station 2 at 3, inimbitahan ang suspect na sumama sa presinto, pero tumanggi ito.

Nang pasukin na ng pulisya ang bahay ni Pariño para hanapin ang ginamit na baril, tumambad sa kanila ang isang kalibre .45, dalawang magasin, at ilang pirasong bala.

Bukod pa rito ang isang sachet ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa 10 gramo, digital weighing scale at drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspect sa mga kasong malicious mischief resulting to damage to property, illegal possession of firearms, illegal discharge of firearms, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon kay Police Sr. Insp. Jonathan Arribe, si alyas ‘Puti’ ay isang high value target na matagal na rin nilang hinahanap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.