Pilipino ako.
Ito ang mariing pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano bilang tugon sa kolum na lumabas sa Inquirer.net na kumukuwestyon umano sa kanyang citizenship.
Paliwanag ng senador, Pilipino ang kanyang ama na si sating Senador Rene Cayetano samantalang Amerikana naman ang kanyang ina.
Dahil dito, isinilang siya na kapwa may Filipino at American citizenship.
Gayunman, nang siya ay tumakbo bilang konsehal ng Taguig, kanyang ni-renounce na ang kanyang US citizenship.
Ebidensya aniya dito ang US tourist visa na nagpapatunay na hindi siya isang American citizen.
Hindi rin dapat aniya pinagkukumpara ang kanilang kaso ni dating DFA Sec. Perfecto Yasay Jr. dahil magkaiba ito.
Tinawag ring ‘fake’ at malicious’ news ang naturang impormasyon dahil hindi umano siya kinunan ng panig sa naturang kolum.
Ang column na tinutukoy ni Cayetano ay isinulat ng US based-columnist na si Rodel Rodis na may titulong “Is Senator Alan Peter Cayetano a PH citizen?” na lumabas sa inquirer.net.