Higit 350 residente, lumikas dahil sa harassment umano ng NPA sa Agusan Del Norte

By Jay Dones, Ruel Perez March 17, 2017 - 04:11 AM

 

kitcharao agusan del norteSinalakay ng New People’s Army (NPA) ang komunidad sa barangay Hinimbangan, Kitcharao Agusan Del Norte.

Ayon kay 2Lt. Ashley Mae Del Rosario ng Civil Military Operations (CMO), walang habas na pinagbabaril ng NPA ang nasabing lugar kung saan may presensya ng mga tropa ng gobyerno mula sa 29th Infantry Battalion na nagsasagawa ng development support and security operations o mas kilala bilang Bayanihan Team Activities sa lugar.

Dahil sa takot na madamay, napilitan umanong lumikas sa kani-kanilang mga tahanan ang nasa 357 sibilyan sa Municipal Gymnasium sa nasabing lugar.

Nakansela rin ang pasok ng mga estudyante at guro sa lugar dahil sa pangha-harass ng mga rebelde.

Pinagbabaril rin umano ng mga ito ang ilang bahay sa nasabing barangay.

Kaugnay nito, sinabi ni Lt. Col Glenn Joy Aynera, Battalion Commander ng 29th IB na sa ginawang ito ng NPA ay muli nitong nilabag ang Comprehensive Agreement on Respect to Human Rights and International Humanitarian Law, ang nag iisa at kapwa dokumento na nilagdaan ng GRP at NDF.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.