Kasado na sa susunod na buwan ang Palarong Pambansa na ilulunsad sa lalawigan ng Antique.
Ayon sa Department of Education, gaganapin ang Palarong Pambansa sa pagitan ng April 23 hanggang 29.
Inaasahang aabot sa 12,000 mga delegado, mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang makikilahok sa Palaro.
Masaya naman ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Antique at gaganapin ang ika-60 taong Palarong Pambansa sa kanilang lugar.
Ayon kay Antique Gov. Rhodora Cadiao, malaki ang maitutulong ng okasyon upang mapalakas ang turismo ng kanilang lalawigan.
Bukod dito, magiging malaking inspirasyon rin aniya sa mga kabataang atleta ang mga laro sa okasyon upang magpursige sa kanilang tinatahak na larangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.