Kabilang dito ang pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo at pagkakasangkot ng ilang CIDG personnel sa kasong kidnapping sa Bulacan.
Ayon pa kay Atty. Triambulo, nakatakda nang papirmahan kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resolution para sa kaso laban sa grupo nina S/Supt. Marvin Marcos.
Dagdag pa ni Triambulo,kasama na rin dito ang kaso nina SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang primary suspek sa pagpatay kay Jee Ick Joo.
Aniya, sa darating na March 22 magsasagawa sila ng press conference para sabay-sabay irelease ang official decision ng PNP ukol sa mga akusadong pulis.
Dapat anya at maisabay nila sa timeline na ibinigay sa Senado kung saan dapat by March 31 nailabas na nila ang final decision sa mga controversial cases na hawak ng IAS na subject sa Senate inquiry.