E.U pinayuhan ng Malacañang na huwag makialam sa kaso ni De Lima
Humihirit ang Malacañang sa European Union (EU) na huwag nang pakialaman ang panloob na usapin ng Pilipinas.
Ito ay sa gitna na rin ng plano ng mga mambabatas sa EU na bumalangkas ng resolusyon para sa agarang pagpapalaya kay Senador Leila De Lima na ngayon ay nakakulong sa PNP custodial center dahil sa kasong drug trafficking.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi naiintindihan ng mga EU lawmakers kung ano ang tunay na dahilan kaya nakulong si De Lima.
Binigyang-diin ni Abella na ang senadora ay kinasuhan dahil sa kasong kriminal at hindi dahil sa isyung politikal.
Dapat aniyang irespeto ng ibang bansa ang mga panloob na usapin ng gobyerno dahil sinusunod naman ang proseso sa mga kasong kinakaharap ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.