Guidelines sa pagbabawal sa “ENDO” inilabas na ng DOLE

By Erwin Aguilon March 16, 2017 - 08:04 PM

Workers
Inquirer file photo

Inilabas na ngayon ng Department of Labor and Employment ang department order may kinalaman sa contracting at sub-contracting.

Base sa Department Order 174 series of 2017 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ngayong araw mahigpit na ipinagbawal ang kontraktwalisasyon.

Nakasaad sa nilagdaang kautusan na mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod: Labor only contracting, pagkuha ng mga manggagawa sa mga inhouse agency, inhouse cooperative na nagsusuplay ng mga manggagawa sa principal, pagkuha ng mga mangaggawa sa labas dahil sa strike o lock-out kahit na ito ay actual o nagbabadya nito.

Bawal na rin ang pagkuha ng mga empleyado na ang trabaho naman ay ginagawa ng mga union members na magiging dahilan upang pagbawalan ang mga manggagawa na gamitin ang kanilang karapatan sa self- organization.

Hindi na rin uubra ang pag-oobliga sa mga empleyado ng mga contractor o sub-contractor na gawin ang functions na ginagampanan ng mga empleyado ng principal, pag- oobliga sa empleyado ng contractor o sub-contractor na lumagda bilang kondisyon upang matanggap sa trabaho o sa pagpapatuloy ng trabaho ng antedated resignation letter, blank payroll, waiver sa labor standards kabilang ang minimum wage, quitclaim na hindi liable ang employer sa pagbabayad ng mga future claims at pagiging miyembro ng kooperatiba ng manggagawa.

Bawal na rin ang pagkuha ng manggagawa na nasa ilalim ng short term contract o endo, pag-oobliga sa empleyado na nasa ilalim ng contractor o sub contractor na lumagda ng kontrata na maaring paikliin ng principal ang employment nito na iba sa nakasaad sa nilagdaang job contract at Iba pang mga practice, scheme o employment arrangement na naglalayong alisan ng karapatan ang manggagawa sa security of tenure.

Pinaiksi rin ng department order ang validity ng certificate of registration ng contractors at sub-contractors mula tatlo patungo sa dalawang taon.

Tinaasan din nito ang registration fee mula sa P25,000 tungo sa P100,000.

TAGS: Bello, DOLE, endo, workers, Bello, DOLE, endo, workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.