Impeachment complaint dinedma, Duterte nakipag-bonding sa apo

By Chona Yu March 16, 2017 - 08:01 PM

Stonefish1Habang sinasampahan ng kasong ng impeachment complaint kaniang alas-diyes ng umaga sa Kamara, ginugol lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na ito na makabonding ang kanyang pinakabgong apo na si Marko “Digong” Duterte Carpio alyas “Stonefish”.

Si Stonefish ang bunsong anak nina Davao City Mayor Sara Duterte at Atty. Manases Carpio na bininyagan kaninang alas-diyes ng umaga sa Saint Francis of Assisi Parish sa Maa, Davao City.

Base sa litrato na ipinalabas ng Malacañang, makikita na hinahalikan ng Chief Executive ang apo.

May litrato rin ang pangulo na kasama ang anak na si Mayor Sara, dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na ninong ni Stonefish.

Samantala, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na black propaganda lamang ang isinampang impeachment ni Congressman Gary Alejano.

Ayon kay panelo, walang sapat na basehan at malisyoso lamang ang reklamo.

Gayunman, sinabi ni Panelo na magandang oportunidad na rin ang impeachment complaint para makita ng publiko na basura lamang ang reklamo.

Photos from Jefry Tupas/Davao CIO
Photos from Jefry Tupas/Davao CIO

TAGS: Davao City, duterte, Estrada, stonefish, Davao City, duterte, Estrada, stonefish

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.