“Viagra pill” para sa kababaihan, aprubado na ng US FDA

August 19, 2015 - 08:02 AM

In this June 22, 2015, photo, a tablet of flibanserin sits on a brochure for Sprout Pharmaceuticals in the company's Raleigh, N.C., headquarters. Sprout soon may succeed where many of the world’s largest pharmaceutical companies have failed: in winning Food and Drug Administration approval for flibanserin, dubbed Addyi, the first drug to boost women’s sexual desire. (AP Photo/Allen G. Breed)
AP photo

Inaprubahan ng US Food and Drug Administration ang kauna-unahang prescription drug na makapagpapataas ng sexual drive ng kababaihan.

Ang pill na ‘Addyi’ mula sa kumpanyang Sprout Pharmaceuticals ang unang drug approved na layong matugunan ang kakulangan ng ‘libido’ ng mga babae para sa pakikipagtalik.

Para kasi sa mga kalalakihan ay available na ang ‘viagra’ at iba pang gamot na nakatutulong para sa kanilang sexual drive.

Ayon sa grupong National Consumers League, isa sa mga nagsulong para sa pag-apruba ng ‘Addyi’, matagal na umanong dapat naaprubahan ang nasabing gamot para sa mga kababaihan. “This is the biggest breakthrough for women’s sexual health,” ayon kay Sally Greenberg, executive director ng National Consumers League.

Bago aprubahan ng FDA, inirekomenda na ng binuong advisory committee ang nasabing tablet sa botong 18 – 6 noong buwan ng Hunyo. Sa rekomendasyon ng advisory committee sinabing dapat maglatag ng guidelines para matiyak na hindi magkakaroon ng ‘overused’ sa nasabing gamot.

Kumpiyansa naman si Dr. Lauren Streicher, associate professor ng clinical obstetrics and gynecology sa Northwestern University, na maraming kababaihan ang magiging interesado sa Addyi.

Ayon sa kumpanyang Sprout, ang tabletang Addyi ay mabibili na sa merkado mula October 17, 2015. Para maiwasan ang overuse, sinabi ng kumpanya na hindi sila magpapatalastas ng nasabing tablet sa radyo at telebisyon sa loob ng labingwalong buwan matapos ang pag-apruba ng FDA.

Sa halip, sesentro umano ang kanilang marketing ng Addyi sa mga duktor at hindi sa consumers,

Plano ng Sprout na mag-hire ng 200 na sales representatives, para kumbinsihin ang nasa 30,000 na obstetricians at gynaecologists gayundin ang ilang psychiatrists at mga primary care physicians.

Hindi pa napagpapasiyahan sa ngayon kung magkano ibebenta ang Addyi, pero maaring hindi umano lumayo ang halaga nito sa presyo ng mga ‘erectile dysfunction pills’.

Kung ang Viagra at iba pang ‘erectile dysfunction pills’ ay iniinom lamang kapag kailangan, ang Addyi ay dapat inumin gabi-gabi./ Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: US FDA approves female viagra, US FDA approves female viagra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.