Malacañang hugas-kamay sa pagsibak kay GMA bilang deputy speaker
Nanindigan ang Malacañang na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakatanggal kay Pampanga rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang House Deputy Speaker dahil sa pagkontra sa panukalang balik-bitay.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hiwalay na sangay ng gobyerno ang kongreso at isa itong independent body.
Iginagalang aniya ng Palasyo ang naging desisyon ni Speaker Pantaleon Alvarez na tanggalan ng posisyon si Arroyo, Batangas Rep. Vilma Santos at iba pang mambabatas na kumomntra sa pagpasa ng panukalang kamatayan bilang capital punishment.
Ayon kay Abella, nais ng mayorya sa Kamara na palitan ang mga posisyon ng mga kongresistang sumusuporta sa mga priority bills.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.