Masamang epekto sa bansa ng sibakan sa Kamara ibinabala ni Pangilinan
Para kay Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan ay makakaapekto sa imahe ng Kamara ang pagpapatalsik sa mga kongresista na tutol sa death penalty.
Paliwanag ni Pangilinan, pagdududahan na ang pagiging independent ng Kamara bilang hiwalay na sangay ng gobyerno.
Sinabi ni Pangilinan na hindi dapat itinuturing agad na kaaway ang sinuman na hindi sumasang-ayon sa mga posisyon ng nakaupong administrasyon.
Aniya ang mga puwersahang pagkilos ay magdudulot lang ng pagkawatak-watak at pahihinain nito ang umiiral na demokrasya.
Sinabi pa ng senador na ang pagpapatalsik sa mga mambabatas sa kanilang mga posisyon ay pagpapakita lang muli ng nakakabahalang pag-uugali ng administrasyon sa mga kontra sa kanilang posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.