PNP, walang naitalang pagpatay sa nakalipas na magdamag sa operasyon laban sa ilegal na droga

By Ruel Perez March 16, 2017 - 11:40 AM

pnpWalang naitalang pagpatay sa operasyon ng pulisya kontra droga sa buong bansa sa nakalipas na magdamag.

Batay sa tala ng PNP mula ala sais ng umaga kahapon hanggang kaninang ala sais ng umaga, nanatili sa 27 ang bilang ng mga nasawing drug suspek.

Nanatili rin sa dalawa ang bilang ng mga sugatang pulis dahil sa operasyon.

Samantala, umakyat naman na sa 1,341 ang mga naaaresto ng pulisya sa unang 10 araw ng Oplan double barrel reloaded.

Habang sa ilalim ng oplan tokhang revisited higit 38 libong bahay na ang kinatok kung saan napasuko ang higit 3 libo at 5 daang drug user at pusher.

TAGS: Drug Operatin, drug war, Oplan Double Barrel Reloaded, PNP, Drug Operatin, drug war, Oplan Double Barrel Reloaded, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.