Impeachment complaint laban sa Pangulong Duterte bahagi lamang ng destabilization plot – Abella

Ernesto-Abella-0705Bahagi lamang ng larger scheme of things at destabilisasyon ang isinampang impeachment complaint ni Congressman Gary Alejano laban sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y nagaganap na extra judicial killings bunga ng anti-drug campaign ng administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, may mga kaganapa na sabay-sabay na nangyayari at napakalinis ng pagkakagawa.

Halimbawa na lamang ang ipinalabas na video message ni Vice President Leni Robredo na mayroon umanong palit ulo scheme ang administrasyon sa operasyon ng illegal na droga. Sa ilalim ng palit ulo scheme, inaaresto ng mga awtoridad ang mga kaanak ng mga drug suspect kapag hindi naabutan ang subject sa warrant of arrest.

Katwiran pa ni Abella na walang basehan ang impeachment dahil wala naming treason o pagtataksil sa bayan na ginawa ang pangulo.

Wala rin aniyang betrayal of trust, bribery, graft and corruption, high crime at culpable violation ng konstitusyon ang pangulo.

Sinabi pa ni Abella na kailanman ay hindi kagagawan ng administrasyon ang extra judicial killings at iginagalang ng pangulo ang mga umiiral na batas.

Read more...