Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na pauwiin sa bansa ang limang labor official kung saan may mga nakakalap na reklamo mula sa mga OFW.
Kabilang sa mga pinababalik ni Bello ay sina Ophelia N. Almenario ng Philippine Overseas Labor Office o POLO sa Abu Dhabi; David Des Dicang ng POLO-Qatar; Rodolfo Gabasan ng POLO-Israel; Nasser Mustafa ng POLO Oman; at Nasser Munder ng POLO-Taichung.
Sinabi ni Bello na pupulungin ni Bello ang mga nasabing opisyal upang lutasin ang mga isyu ng OFW lalo na yaong mga distressed at displaced at kung hindi pa sila susunod ay tiyak na matatanggal sila sa kanilang mga tungkulin.
Una ritong nakatanggap ng report ang kalihim na binabalewala lamang ng ilang labor attaché ang mga nagdurusang manggagawang Pinoy.
Isa sa pangunahing isyu na nakarating kay Bello ay ang paglabag ng mga employer sa bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at host-countries sa Gitnang Silangan, gaya ng $400 na minimum wage sa household service workers.