Pagsibak sa iba pang labor attache’ , ibinabala

By Erwin Aguilon March 16, 2017 - 11:40 AM

Silvestre-Bello-IIINagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III na marami pang labor attaché ang masisibak dahil sa hindi pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng mga Overseas Filipino Worker o OFWs sa Middle East.

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na pauwiin sa bansa ang limang labor official kung saan may mga nakakalap na reklamo mula sa mga OFW.

Kabilang sa mga pinababalik ni Bello ay sina Ophelia N. Almenario ng Philippine Overseas Labor Office o POLO sa Abu Dhabi; David Des Dicang ng POLO-Qatar; Rodolfo Gabasan ng POLO-Israel; Nasser Mustafa ng POLO Oman; at Nasser Munder ng POLO-Taichung.

Sinabi ni Bello na pupulungin ni Bello ang mga nasabing opisyal upang lutasin ang mga isyu ng OFW lalo na yaong mga distressed at displaced at kung hindi pa sila susunod ay tiyak na matatanggal sila sa kanilang mga tungkulin.

Una ritong nakatanggap ng report ang kalihim na binabalewala lamang ng ilang labor attaché ang mga nagdurusang manggagawang Pinoy.

Isa sa pangunahing isyu na nakarating kay Bello ay ang paglabag ng mga employer sa bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at host-countries sa Gitnang Silangan, gaya ng $400 na minimum wage sa household service workers.

TAGS: DOLE, labor attache’, Labor Secretary Silvestre Bello III, ofw, DOLE, labor attache’, Labor Secretary Silvestre Bello III, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.