Pilipinas, hindi teritoryo ang Benham Rise – Roque
“Hindi teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise.”
Ito ang paglilinaw ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Roque na ang Benham Rise ay extended continental shelf lamang ng Pilipinas.
Paliwanag ng mambabatas, mayroon lamang sovereign rights ang bansa sa Benham Rise. Ibig sabihin, Pilipinas lamang ang may karapatan na magsagawa ng pagsasaliksik sa likas na yaman sa lugar.
Ipinahayag ni Roque na maaari namang maglayag dito ang ibang bansa, ngunit labag na sa batas kung magtatagal, at lalo na kung magsasagawa ng exploration ang mga ito sa Benham Rise.
Ipinaliwanag din ni Roque na maaari namang magsagawa ng joint exploration ang Pilipinas ang ibang bansa basta may dokumentong pinapayagan ito ng gobyerno na nilagdaan ng pangulo, at may basbas ng kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.