Dating Meycauayan Mayor, hindi na maaaring magkaroon ng posisyon sa pamahalaan
Pagbabawalan na ng Ombudsman na magkaroon ng posisyon sa pamahalaan si dating Meycauayan Mayor Joan Alarilla.
Ito ay dahil sa milyong-milyong pisong anomalya sa pondo ng lokal na pamahalaan.
Batay sa imbestigasyon, gumamit ng apatnapu’t tatlong (43) chekeng nagkakahalagang 4.97 million pesos na isinaad ng dating mayor na pambayad ito sa mga supplier na LC San Pascual Construction Company at VSP Trading Merchandise. Ngunit naisiwalat na ginamit lamang ito ni Alarilla sa personal na paggamit.
Dahil dito, hinatulan ng Ombudsman na guilty sa serious dishonesty and grave misconduct ang dating Meycauayan Mayor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.