May tsansang bumagal ang kilos ng bagyong Ineng sa sandaling makalapit ito sa lalawigan ng Batanes at bago lumiko paakyat ng Taiwan.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Jory Lois, sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga ang pinakamalapit na pwesto ng bagyong Ineng sa Basco, Batanes.
Sa sandaling makalapit ng Batanes ay babagal ang kilos ng bagyo bago siya lumiko paakyat ng Taiwan. May tsansa pa ayon kay Lois na huminto o mag quasi-stationary ang bagyo ng ilang oras.
“Bago siya magre-curve ay babagal po ang bagyo. By Friday or Saturday early morning ang pinakamalapit niya sa Basco, Batanes. That time, magsisimula na syang bumagal pwedeng mag quasi-stationary lang siya saglit ng ilang oras at tataas na,” ayon kay Lois.
Sinabi ni Lois na ang pag-ulang mararanasan sa Northern Luzon ay direktang epekto na ng bagyong Ineng.
Sa Palawan, Visayas at Zamboanga Peninsula naman, nakararanas na ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan dahil sa habagat na pinalalakas ng bagyo.
Sa Metro Manila, aasahan ang magandang lagay ng panahon ngayong araw maliban sa mga isolated thunderstorms na nakapagpapaulan sa hapon. Pero sa Huwebes, mararamdaman na ang pag-ulan sa Metro Manila at Central Luzon na epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Ineng.
Sinabi ni Lois na sa kasalukuyang lokasyon ng bagyong Ineng ay maliit na ang tsansang lumakas pa ito ng todo./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.