Speaker Alvarez, minaliit ang impeachment complaint ng Magdalo laban kay Pang. Duterte
“We are all entitled to our own stupidity.”
Yan ang tahasang reaksyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay sa inihaing impeachment complaint ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa impeachment complaint ni Alejano na inihain sa Kamara, may limang grounds laban sa presidente: ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, bribery, graft at high crimes.
Ayon kay Alvarez, ang reklamo partikular ang mga grounds ay malinaw na “fabricated.”
Banat pa nito, mistulang naniniwala ang Magdalo partylist sa sariling nitong mga kasinungalingan.
Ang grupong Magdalo ay kilalang kaalyado ni Senador Antonio Trillanes, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte.
Malaki naman ang tiwala ni Alvarez na hindi magtatagumpay ang impeachment laban kay Presidente Duterte, lalo’t mas marami pa rin ang sumusuporta sa mga isinusulong nito para sa pagbabago ng bansa.
Sa kasalukuyang, malaki pa rin ang bilang ng mga mambabatas na kasapi ng supermajority ng Mababang Kapulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.